Huwebes, Enero 16, 2014

All About Poster Making (2013)

 
3rd Placer in Nutrition Month Poster Making (July 19,2013)

Nung July 19 , 2013 Nagkaroon po kami ng Poster making sa Buwan ng Nutrisyon....!! Pinasali po ako ng aking Guro kasi alam niyang magaling akong magDrawing at Mag-Art :) Habang Nagkukuskos po ako ng Oil Pastel sa Illustration Board nararamdaman ko po yung kaba kasi ang una ko pong naisip na baka matalo ulit ako sa poster making kasi nung first poster making ko sa ibang school natalo po ako ! Kaya Hindi ko po talaga ine-expect na mananalo po ako sa poster making pero Naging 3rd Placer lang po ako....!! At ang price ko po ay isang Certificate at isang medalya ! Ito po ung picture ng Drawing,Certificate at Medalya...!!
Yannnn na po yung Drawing,Certificate at Medalya ! Ohh diba nakakaProud po ?? Kaya palagi po akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng isang talentong napakaganda :) At Nanalo po ulit ako sa Poster making nung November 28,2013 sa Poster making sa Hekasi...!! Ito po ung picture !
1st Placer in Hekasi Month Poster Making (November 28,2013)

Nung Nov.28,2013 Nagkaroon po ulit kami ng poster making sa Buwan ng Hekasi ! At kaba nanaman ang naramdaman ko kasi baka matalo nanaman ako :) Pero nawala po ung kaba ko nung nalaman kong apat lang kaming maglalaban sa poster making ! Nag-Awarding na ! At nagulat po ako nung sinabing ako ang 1st Placer sa poster making ! Sobrang saya ko po nung araw na iyon ! Pero ang Price ko po ay hindi Medal kundi P300 (CASH)....!! Super napaproud po talaga ako sa sarili ko kasi kung sino man ang nakaDESERVE....AKO PO IYON ! :) Thank you so much LORD :*

Miyerkules, Enero 15, 2014

San Francisco Elem. School (FOREVER)

Hi/hello sa mga Classmates ko po sa SFES ! Pakinggan niyo po ung kantang yan ! Dinownload ko po iyan para sa mga Classmates ko po :) Thanks po sa lahat lahat ng bagay na naiibibigay niyo sa akin....Maraming salamat sa mga Friends kong tumutulong sa mga problema ko lalo na kay Ate Bea , Zesson , Luzvi , Keith at Angel ! Salamat sa mga prumoprotekta sa akin sa mga Friends ko ! Basta kapag nagFirst year na tau...Walang limutan ahh :) Malapit na Graduation natin sa school ah ?? Gragraduate na tayong lahat pero maliit pa rin sa atin ung iba  ! JOKE ^_^ Sana magustuhan niyo yung Kantang Pinost ko sa aking Blog...Thanks sa Mga Friends ko :) Kay Charisse , Luzvi , zesson , Rinoa , at iba pa ! At Nagpapasalamat din po ako kay Mr.Bancoro na walang sawang nagtuturo sa amin kahit makulit kami at kahit pasaway kami ! Thank you po Sir....Basta kahit magFirst Year po kami Hinding hindi ka po namin makakalimutan ! Thank you so much Sir Bancoro..!! Labyahhh All :*

Martes, Enero 14, 2014

Christmas Dance

Hi/Hello Friendsssss !!! Nung December 20,2013 nagkaroon po kami ng Christmas Dance sa aming paaralan ! Ang aming sinayaw po ay yung JUST GIVE ME A REASON (remix).....Halos lahat po kaming mga magKakaklase ay sumayaw ! Actually dapat di po ako kasali kaso napasali ako kasi ako lang ang hindi sumali sa GIRLS :) By Partner po yung sayaw namin pero nakakatuwa po kasi ung partner ko po ay maliit pero ok lang naman po kasi magaling naman po siya sumayaw eh ! Nagpapasalamat po ako kay Ma'am Alfonso sa pagtuturo niya sa amin ng sayaw ! ILOVEYOU MA'AM :* At magkakaroon naman po kami ng Cheering Dance sa Feb.14,2014 para sa aming FAMILY DAY AT VALENTINES DAY sa aming paaralan ! At si Ma'am nanaman po ang magtuturo...Galingan natin GRADE VI ! GO ! GO ! GO !

@ Mall Of Asia (MOA)

Hello Guys ! Nung January 1,2014 pumunta kami sa Mall of Asia (MOA).....Napakasaya ko po nung araw na iyon :) Sumakay kami ng pinsan ko sa BEE RIDE napakaganda ng tanawin sa MOA kasi ang tabi po ng BEE RIDE ay yung Dagat o tinatawag nilang SEASIDE ! Ito po ung picture namin sa BEE RIDE :)
Ayan po ung Picture namin ng Pinsan ko ! kung makikita mo po ung picture namin sobrang saya po namin ! Actually hindi naman po talaga ako sumasakay sa mga RIDES kasi mayroon po akong TAKOT sa mga Ganun....At sumakay naman po ung Ate ko at ang pinsan ko sa DROP TOWER na sobrang nakakatakot....Ito po ung Picture nila :)
Ang Ate ko po ung naka Violet at ang pinsan ko naman po ay naka Red ! Magkatabi po sila....Ayun po ung nasa harapan ! Grabehh ! sobrang nakakatakot po dyan :) pero kinaya naman po nila kasi sanay na naman po sila sa mga ganyan eh ! At higit sa lahat Nag-Ice Skating po kami sa SM MOA ! Ito po ung Picture !
Ako po ung naka Blue,Ate ko po ung naka Violet at Pinsan ko naman po ung naka Red at Dilaw ! Grabeh ! sobrang saya po namin kaso sobrang mahal po niyan eh ! P390.00 po ung bayad ! pero sulit naman po kasi First time po namin yan eh ! Super Thankful po ako kay Papa kasi kung wala siya hindi po kami Makakasubok ng Ice skating ! Ito po ung BEST DAY EVER KO SA MOA :) 

Martes, Oktubre 8, 2013

QCA Outreach Program 2013

Hello! Ako po si Shereign Anne Faeldonia VI-2.Nag-aaral po ako sa San Francisco Elementary School.Ang pangalan po ng aking Blog ay "Potato mash" kaya po ganyan ang ipinangalan ko kasi po mahilig ako sa Mash Potato ! At nung sinabi po sa amin na may seminar sa QCA sobra po akong kinabahan kasi po First time ko lang po umattend sa mga seminar ! At nung una po kala ko ay napakaboring pero nung matuto po akong gumawa ng blog narealize ko po na masaya pala.......At nakakatuwa po kasi nakilala ko po si ate Eyna Quilala ! Si Ate Eyna Quilala po siya yung nagturo sa akin kung paano gumawa ng Powerpoint at nakilala ko rin po si Ate Mae...Si Ate Mae po siya yung nagturo sa akin kung paano gumawa ng Blog ! Napakasaya pala ng seminar...xD Nagpapasalamat po ako sa mga nagturo sa amin sa seminar kasi kung hindi nila kami tinuruan hindi namin ito matututunan ! maraming salamat po ulit......xD

Biyernes, Oktubre 4, 2013

Science Fair :)))

Hello ! Ako po si Shereign Anne Faeldonia VI-2.Nung Sep.27,2013 nagkaroon po kami ng "Science Fair" at ang topic po namin ay tungkol sa "Environmental protection and conversation of ecosystem".Napakasaya po namin nung ginunita ang araw ng Science Fair kasi po nakasama namin ang aming mahal na punongguro na si Dr.Randy G. Tagaan. At napakasaya rin po ng aming mahal na Guro kasi nakasama niya kaming mga mag-aaral at ng mga Guro.Nagsalita po ang aming mahal na punongguro sa harapan ng mga studyante at ng mga Guro upang sabihin kung ano ang ibig sabihin ng aming topic at kung bakit ginugunita taon taon ang araw ng "Science Fair".......Nung ginunita namin ang araw Science Fair sumayaw ang V-1 ng "Power of your Love".Ang kantang "Power of your Love" ay isang Hillsong at ang kantang ito ay kinakanta namin sa aming Church :) ! At nagkaroon po kami ng Poster Making nung Sep.25,2013 ! Medyo malungkot po kasi natalo po ako sa Poster Making :( Ang nag first po nun ay si Marble siya po ay nasa ikalimang baitang at ang nag second po ay yung kaklase ni Marble at ang pang third naman po ay si Janine Lawrence siya po ay nasa ikaanim na baitang...sila po yung nakapasok sa 1st 2nd at 3rd :( sayang nga po kasi hindi po ako naparangalan ng medalya ! pero ok lang po yun kasi nakasama ko naman po sila ng masaya ehh !!! At mayroon namang pong ginanap sa Science Fair ng "Mr. and Ms. kalikasan"<3 Grabe !! ang gaganda ng kanilang mga suot na damit...nakakamangha :D kasi yung mga suot nilang mga damit ay gawa po sa mga balat ng saging,tansyan,mga balat ng chichirya at iba pang mga gawa sa plastik......ang mga pambato po ng mga bawat baitang ay rumampa sa intablado at isa-isa po silang nagpakilala at isa-isa rin po silang nagsabi ng kanilang mga sariling kasabihan tungkol sa aming topic ! At ang bawat isa po ay nagpakita ng kanilang mga sariling talento :) Pagkatapos po nito ay nagkaroon po ng Awarding at ang nag first po ay ang pambato ng ikalawang  baitang at ang nag second po ay ang pambato ng ikaanim na baitang at ang nag third po ay ang pambato ng ikatatlong baitang..........At ang naging Mr. and Ms. Kalikasan ay ang pambato ng ikalimang baitang ! :) Ito po ang mga naganap nung araw ng Science Fair <""")) Napakasaya po namin nito....