Biyernes, Oktubre 4, 2013
Science Fair :)))
Hello ! Ako po si Shereign Anne Faeldonia VI-2.Nung Sep.27,2013 nagkaroon po kami ng "Science Fair" at ang topic po namin ay tungkol sa "Environmental protection and conversation of ecosystem".Napakasaya po namin nung ginunita ang araw ng Science Fair kasi po nakasama namin ang aming mahal na punongguro na si Dr.Randy G. Tagaan. At napakasaya rin po ng aming mahal na Guro kasi nakasama niya kaming mga mag-aaral at ng mga Guro.Nagsalita po ang aming mahal na punongguro sa harapan ng mga studyante at ng mga Guro upang sabihin kung ano ang ibig sabihin ng aming topic at kung bakit ginugunita taon taon ang araw ng "Science Fair".......Nung ginunita namin ang araw Science Fair sumayaw ang V-1 ng "Power of your Love".Ang kantang "Power of your Love" ay isang Hillsong at ang kantang ito ay kinakanta namin sa aming Church :) ! At nagkaroon po kami ng Poster Making nung Sep.25,2013 ! Medyo malungkot po kasi natalo po ako sa Poster Making :( Ang nag first po nun ay si Marble siya po ay nasa ikalimang baitang at ang nag second po ay yung kaklase ni Marble at ang pang third naman po ay si Janine Lawrence siya po ay nasa ikaanim na baitang...sila po yung nakapasok sa 1st 2nd at 3rd :( sayang nga po kasi hindi po ako naparangalan ng medalya ! pero ok lang po yun kasi nakasama ko naman po sila ng masaya ehh !!! At mayroon namang pong ginanap sa Science Fair ng "Mr. and Ms. kalikasan"<3 Grabe !! ang gaganda ng kanilang mga suot na damit...nakakamangha :D kasi yung mga suot nilang mga damit ay gawa po sa mga balat ng saging,tansyan,mga balat ng chichirya at iba pang mga gawa sa plastik......ang mga pambato po ng mga bawat baitang ay rumampa sa intablado at isa-isa po silang nagpakilala at isa-isa rin po silang nagsabi ng kanilang mga sariling kasabihan tungkol sa aming topic ! At ang bawat isa po ay nagpakita ng kanilang mga sariling talento :) Pagkatapos po nito ay nagkaroon po ng Awarding at ang nag first po ay ang pambato ng ikalawang baitang at ang nag second po ay ang pambato ng ikaanim na baitang at ang nag third po ay ang pambato ng ikatatlong baitang..........At ang naging Mr. and Ms. Kalikasan ay ang pambato ng ikalimang baitang ! :) Ito po ang mga naganap nung araw ng Science Fair <""")) Napakasaya po namin nito....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento